Sunday, February 13, 2011

ASEAN AGE GROUP OLYMPIAD SILVER MEDALLIST SAMANTILA BIDA SA MERALCO CHESS

BY: MB

PINANGUNAHAN ni ASEAN Age Group  Olympiad Silver medalist Daryl Unix Samantila ng Adamson University ang 6-pack kiddies team kontra sa MVP Olympics-bound MERALCO Team na ginanap sa Meralco head office sa Ortigas kamakailan.
"The match was played in the tradition of FIDE's Experience Stars vs Rising Stars Match where our very own Wesley So was one of the stars. " sabi ni Meralco Chess Club president Raul Sol Cruz.  Dinomina ng kiddies ang 5-round Scheveningen Match tungo sa 9 -4 match points kontra sa MERALCO. .

Si Samantila nag-ala Wesley-like performance matapos manalo sa kanyang laro kay June de Galicia sa R1, Ronnie Dellota sa R2, Adrian Esteva sa R3, Johnson Maclang sa R4, at Karl Clarito sa R5. Naka perfect 5.0!

Ang iba pang kiddies sa team ay sina NCAA's Kerby Acoba ng Letran Knights na may 4 wins, Shell National Youth Grand-Finalist Jose Castro na may 3 wins at draw, Batang QC Champions Eric Margarito ng Bagong Silangan High School na may 3 wins at draw at Louie Samante ng Batasan Hills National High School na may 1 win at 3 draws, at ASEAN Olympiad Bronze medalist at MERALCO Employees' Day Jr. Champion Rhal Sol Cruz ng La Salle na may 2 wins.

"These kids are very strong players already. We did not expect them to be that good. They will all become grandmasters in the future, given the proper training at sabi nga namin dito sa MERALCO,  ang liwanag ng bukas. " sabi ni MERALCO''s Darryl Mata, ang best scorer sa kanyang team na may 2 wins at draw sa 3 games.

Ang 2nd MVP Olympics kung saan ay si MERALCO Sr. Vice-President Al Panlilio ang aaktong Chairman mula saMVP Group sa Marso sa MERALCO Center sa Pasig City.

No comments:

Post a Comment